^

PSN Palaro

Ateneo aagawin ang liderato vs FEU

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ateneo aagawin ang liderato vs FEU
Maghaharap ang Blue Eagles at ang pumapa­ngatlongTamaraws sa alas-4 ng hapon habang asam naman ng University of the Philippines Fighting Maroons na humiwalay sa sosyohan sa pang-apat na puwesto sa pakikipagtipan sa University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon.
Miguel De Guzman/File

Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay City)

2 p. m. UST  vs UP  (M)

4 p.m.  ADMU  vs  FEU (M)

MANILA, Philippines — Haharapin ng nagde­depensang Ateneo Blue Eagles ang mainit ding Far Eastern University Tamaraws habang magtatagpo rin ang UP Fighting Maroons at UST Growling Tigers ngayon sa pagpapa­tuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maghaharap ang Blue Eagles at ang pumapa­ngatlongTamaraws sa alas-4 ng hapon habang asam naman ng University of the Philippines Fighting Maroons na humiwalay sa sosyohan sa pang-apat na puwesto sa pakikipagtipan sa University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon.

Mula nang matalo sa kanilang opening game laban sa Adamson Falcons, 70-74 noong Set­yembre 9, umalagwa ang Blue Eagles ng limang sunod na panalo, ang huli ay sa karibal na De La Salle Green Archers, 71-55 noong Sabado.

Pinangunahan ng 6’10 na taga-Cote d’ Ivoire na si Angelo Kouame ang Blue Eagles laban sa Green Archers sa kanyang 20 puntos, 11 rebounds, dalawang steals at dalawang blocks habang si Anton Asistio ay umiskor ng 12 at siyam na puntos mula kay Thirdy Ravena.

Tiyak na sasandal din si Ateneo coach Tab Baldwin kina Raffy Verano, Isaac Go, Matt Nieto, William Navarro at Aaron Black.

Makakaharap ng Blue Eagles ang Tamaraws na galing din sa back-to-back win, ang huli ay laban sa Adamson Falcons via overtime, 88-85 noong Linggo lamang para ma­ging tanging koponan na tumalo sa tropa ni Franz Pumaren.

Dahil sa ejection ni Arvin Tolentino sa ika-apat na yugto, nagtulung-tulong sina Richard Escoto, Hubert Cani at Kevin Ebona sa limang minutong extension period para umangat sa 4-2 win-loss kartada at putulin ang five-game streak ng Falcons.

Kaya tiyak ang magandang laban sa pagitan ng Blue Eagles at Tamaraws sa penultimate day ng first round elimination.

vuukle comment

SEASON 81 UAAP BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with