^

PSN Palaro

Falcons itinakas ni Manganti

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Falcons itinakas ni Manganti
Inaagaw ni Alvin Pasaol (23) ng UE ang bola kay Isaac Go (1) ng Ateneo sa aksyong ito sa UAAP men’s basketball.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Umiskor si Sean Ma­nganti ng winning goal sa huling segundo upang i­angat ang Adamson S­oaring Falcons sa 69-68 panalo laban sa University of the Philippines Fighting Maroons kahapon  at manatili sa top spot sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Naibaba ng Falcons ang 12-point deficit sa apat na puntos lamang, 61-64 bago kumonekta si Jerrick Ahanmisi ng triples para sa 64-65 agwat mahigit 2:22 pa ang natitira.

Sa undergoal follow-up ni Bright Akhuetie sa mintis ni Paul Desiderio muling nabawi ng Fighting Maroons ang bentahe, 68-67 ngunit umiskor si Manganti ng short jumper para selyuhan ang panalo ng Adamson.

Ang UP na nahulog sa 1-3 win-loss slate ay pinangunahan ni Akhuetie sa kanyang 22 puntos at 20 rebounds.

Humataw si Manganti ng 18 puntos kabilang na ang winning shot at dalawang assists habang si Ahanmisi ay tumipa ng 16 puntos, 14 nito sa second half para sa Falcons ni coach Franz Pumaren.

Sa iba pang laro, hindi na nag-aksaya pa ng oras ang nagdedepesang Ateneo kaya maaga pa lamang lumalayo na sila tungo sa 89-62 panalo kontra sa Universirty of the East para umakyat sa solo second spot sa 3-1 record sa likuran ng Adamson Falcons (4-0).

vuukle comment

SEASON 81 UAAP BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with