^

PSN Palaro

Mangahas binuhat ang Cagers sa panalo

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Mangahas binuhat ang Cagers sa panalo
Dahil sa matikas na laro na ipinakita ni Mangahas, nanatili ang Cagers na natatanging koponan sa Southern Division na wala pang talo sa kanilang 4-0 win-loss kartada habang ang Rizal ay nanatili rin sa ilalim ng standing sa parehong Division sa 1-5 card.
https://www.facebook.com/MuntinlupaCagersMPBL

MANILA, Philippines — Umani si Allan Mangahas ng 23 puntos at siyam na rebounds para iangat ang Muntinlupa Cagers sa 84-80 panalo laban sa Rizal Crusaders sa pagpapatuloy  ng  2018 Maharlika  MPBL Datu Cup noong Huwebes ng gabi sa Imus City Sports Complex.

Dahil sa matikas na laro na ipinakita ni Mangahas, nanatili ang Cagers na natatanging koponan sa Southern Division na wala pang talo sa kanilang 4-0 win-loss kartada habang ang Rizal ay nanatili rin sa ilalim ng standing sa parehong Division sa 1-5 card.

Bukod kay Mangahas, umiskor din ng 16 puntos na may kasamang 13 rebounds, dalawang assists at dalawang steals si Chito Jaime at 13 puntos, 18 rebounds, isang assist, isang steal at isang block mula kay Felix  Apreku para sa Cagers ni coach Aldrin Morante.

Sa iba pang laro, hindi rin nagpaiwan ang Imus Bandera matapos padapain ang paboritong Makati Skyscrapers, 79-76 upang masungkit ang ikalawang panalo sa limang laro.

Ang Skyscrapers ni coach Cholo Villanueva ay nalaglag sa solo sixth spot sa 4-2 record.

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with