^

PSN Palaro

Elasto Painters dumikit sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Literal na dugo ang naging puhunan ng Rain or Shine para makamit ang solong liderato at makalapit sa isa sa walong quarterfinals ticket.

Nagsalpak si Chris Tiu ng isang mahalagang three-point shot  habang kumonekta si Gabe Norwood ng banked shot para akayin ang Elasto Painters sa 96-90 panalo laban sa Globalport Batang Pier sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Dumiretso ang Rain or Shine sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos takasan ang nagdedepensang San Miguel sa overtime, 123-119 para ilista ang 5-1 baraha.

Nabigo naman ang Globalport na masundan ang kanilang 116-94 panalo laban sa NLEX at nahulog sa 3-3.

Itinala ng Elasto Painters ang 11-point lead, 66-55 mula sa three-point shot ni James Yap sa huling 2:20 minuto ng third period hanggang maagaw ng Batang Pier ang 77-76  galing sa triple ni Stanley Pringle sa 6:07 minuto ng final canto.

Muling nakalayo ang Rain or Shine sa 87-79 buhat sa basket ni Tiu, naputukan ng bibig matapos masiko ni Globalport import Malcolm White, bago niya isalpak ang tres para sa kanilang 92-83 lead sa huling 1:14 minuto ng laro.

Napatalsik sa laro sina Elasto Painters guard Ma­verick Ahanmisi at Batang Pier center Kelly Nabong matapos magpormahan sa 3:20 minuto ng laban.

Ang jumper ni Norwood ang nagbigay sa Rain or Shine ng 94-85 kalamangan sa natitirang 57.9 segundo.

Pansamantalang matitigil ang mga aksyon para sa pagdaraos ng 2018 PBA All-Star Week na tatampukan ng pagsagupa ng Smart All-Stars laban sa Mindanao, Luzon at Visayas selections sa Mayo 23, 25 at 27, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with