^

PSN Palaro

Gin Kings inagaw ang Game Three

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings inagaw ang Game Three

Inipit nina Kiefer Ravena at Eman Monfort ng NLEX si Paul Lee ng Magnolia sa Game 2. Kuha ni Joey Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Magnolia vs NLEX (Game 3, Semis)

MANILA, Philippines — Ayaw ng mga Gin Kings na lalo pang mabaon.

Nalampasan ang pag­ba­ngon ng nagdedepensang San Miguel sa final can­to, inagaw ng Barangay Ginebra ang 95-87 panalo sa Game Three ng kanilang semifinals series sa 2018 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumalikwas ang Gin Kings mula sa 90-102 kabi­gu­an sa Game One at 102-104 overtime loss sa Game Two para makadikit sa 1-2 sa kanilang best-of-seven se­mis showdown.

Itinayo ng Ginebra ang 14-point lead, 83-69, sa pag­sisimula ng fourth quarter hanggang makadikit ang San Miguel sa 80-83 agwat mula sa dalawang technical free throws ni Alex Cabagnot sa 6:07 minuto nito.

Ang  three-point play ni LA Tenorio sa huling 32.9 se­­gundo ang sumelyo sa pa­­nalo ng Gin Kings.

Sa kabila naman ng 15-point loss sa Game Two no­ong Lu­nes ay maganda pa rin ang pakiramdam ni NLEX coach Yeng Guiao.

“I still feel good about our series. I expect it to be a long one,” sabi ng seven-time PBA champion coach. “We need to regain our defensive intensity, the kind we dis­played in Game One.”

Matapos kunin ng Road Warriors ang 88-87 panalo sa Game One ay rumesbak ang Magnolia Hotshots pa­ra sa dominanteng 99-84 ta­gumpay sa Game Two no­­ong Lunes para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-se­ven semifinals wars.

Pag-aagawan ng NLEX at Magnolia ang 2-1 bentahe sa Game Three nga­yong alas-7 ng gabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Sa kanilang panalo sa Game Two ay na­li­mi­tahan ng Hotshots sa pi­nag­sa­mang 15 points sina roo­kie Kiefer Ravena at Kevin Alas ng Road Warriors.

Naging inspirasyon din ng mga Hotshots ang tulu­yan nang pagkawala sa PBA season ni veteran for­ward Marc Pingris matapos magkaroon ng ACL sa kan­yang kaliwang tuhod sa huling 4:35 minuto ng fourth quarter sa Game One.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with