Gin Kings itinagay ang semis berth
MANILA, Philippines — Muling maghaharap ang nagdedepensang San Miguel at sister team na Barangay Ginebra sa isang serye.
Ito ay matapos patalsikin ng No. 4 Gin Kings ang No. 5 Rain or Shine Elasto Painters, 99-91, sa Game Two ng kanilang quarterfinals series para kunin ang ikatlong semifinals ticket sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng Ginebra ang kanilang best-of-three quarterfinals duel nila ng Rain or Shine sa 2-0.
I think that the quarters really is, through my career, the hardest series to win,” sabi ni coach Tim Cone. “So when you finally get through it, it’s just truly a relief.”
Makakatapat ng Gin Kings ang Beermen, sinibak ang No. 8 TNT Katropang Texters, 106-93, sa quarterfinals, sa best-of-seven semifinals series.
Tinalo ng San Miguel ang Ginebra sa 2017 PBA Philippine Cup Finals.
Humakot si flying forward Japeth Aguilar ng 27 points, 12 rebounds at 3 blocks ni Aguilar para sa pagsibak ng Gin Kings sa Elasto Painters.
“Beginning pa lang ng game sinabi na sa amin ni coach Tim (Cone) na mahirap mag-close out ng series,” sabi ng 6-foot-8 na si Aguilar. “It needs tremendous amount of effort and tremendous amount of focus. So lahat kami naghanda talaga.”
Nauna nang kinuha ng Ginebra ang 100-92 triple overtime win sa elimination round at ang 88-80 panalo sa Game One ng kanilang quarterfinals wars ng Rain or Shine noong Lunes.
Ang fastbreak slam ni Aguilar ang naglayo sa Gin Kings sa 87-81 sa 7:48 minuto ng final canto, ngunit nakadikit naman ang Elasto Painters sa 89-92 mula sa layup ni Beau Belga sa huling 2:58 minuto.
- Latest