Nietes asam ang ikatlong korona
MANILA, Philippines - Noong 2007 sa Waterfront Hotel and Casino ay nakamit ni Donnie 'Ahas' Nietes ang kanyang unang world boxing crown.
Sa Abril 29 ay tatargetin naman ni Nietes ang kanyang pangatlong world title sa pagsagupa kay Komgrich Nantapech ng Thailand para sa bakanteng International Boxing Federation flyweight belt sa main event ng Pinoy Pride 40 - “Donnie-Nation” sa nasabi ring venue sa Cebu City.
Sampung taon na ang nakakaraan nang makamit ni Nietes ang World Boxing Organization minimumweight crown matapos kunin ang unanimous decision laban kay Thai star Pornsawan Porpramook.
Sa edad na 34-anyos ay inaasahang gagamitin ni Nietes ang kanyang eksperyensa.
Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaban si Nantapetch sa Cebu matapos noong 2012 matapos bumagsak kay Albert Pagara sa second round.
- Latest