^

PSN Palaro

Viloria wagikay Montoya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagama’t kinalawang dahil sa kakulangan ng laban ay nagawa pa rin ni dating WBC/IBF light flyweight at WBA/WBO flyweight champion Brian Viloria na talunin si Ruben (Hurricane) Montoya ng Mexico via unanimous eight-round decision sa Tokyo, Japan noong Huwebes.

Hindi pa handa ang 36-anyos na si Viloria para sa isang world title bid, ngunit ito ang daan na ku­kunin ng Fil-Am, sabi ng kanyang Los Angeles ma­nager na si Gary Gittelsohn.

Sakaling makabalik sa kanyang pamatay na porma si Viloria ay posible niyang hamunin si WBA flyweight champion Kazuto Ioka.

Ang panalo kay Montoya ang nagtaas sa record ni Viloria sa 37-5 kasama rito ang 22 KOs.

Dala naman ni Ioka ang 21-1 (13 KOs) at inagaw ang WBA flyweight crown mula kay Juan Carlos Reveco ng Argentina via majority decision noong 2015.

vuukle comment

BRIAN VILORIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with