^

PSN Palaro

Fernandez palalakasin ang depensa ng Bedans

A LAW EACH DAY (KEEPS TROUBLE AWAY) - Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagong sistema ang ipatutupad ni head coach Boyet Fernandez sa kampo ng San Beda College na nakatakdang ipagtanggol ang kanilang NCAA title sa susunod na edisyon ng torneo.

Naibalik ng Red Lions ang titulo sa Mendiola gamit ang mabilis na laro.

Ito ang parehong ga­gamitin ni Fernandez na formula subalit nais nitong mas bibigyan ng diin ang depensa upang mas lalong maging mabagsik ang Red Lions.

“I like Jamike’s fast-paced game and I will not change that in our offense. But we will have to slow things down a little bit because we will have to deliberate and disciplined in defense and not gamble too much,” wika ni Fernandez na dinala ang San Beda sa dalawang titulo noong 2013 at 2014 bago lumipat sa NLEX sa PBA.

Plano ni Fernandez na malimitahan ang kanilang kalaban na hindi lalampas sa 70 puntos - hindi gaya noong nakalipas na season kung saan umaabot sa 90 puntos ang nagagawa ng kanilang karibal dahil sa mahinang depensa.

“This year, we will have to cut it to just 70, which was about the same ave­rage our opponents have when I was still coaching here,” ani Fernandez.

Masaya si Fernandez na muling makita ang mga manlalaro nito partikular na sina  Radge Tongco at Jayvee Mocon na parehong rookies sa kanyang huling season noong 2014.

Nasa San Beda pa rin sina Cameroonians Donald Tankoua at Arnaud Noah, AC Soberano at Jomari Presbitero na ilan sa mga na-recruit nito.

“We will have to start from scratch and really work harder to keep that cham­pionship in San Beda,” dagdag ni Fernandez.

Wala pang napipiling team captain si Fernandez kaya’t mananatili sina Presbitero at Tongco bilang pansamantalang skippers.

Pinagpipilian din ni Fernandez kung sino kina Tankoua, Noah at rookie Nigerian Tuba Eugene ang dalawang foreign players na ipapasok sa lineup sa Season 93.

Si Tankoua ay galing sa ACL injury habang si Noah ang itinanghal na Finals MVP.

“I think its not a problem, its just a matter of seeing who fits my system and the team better,” ani Fernandez.

Sasabak ang San Beda sa PBA D-League kasama ang anim na manlalaro sa pangunguna nina Fil-Am Davon Potts, Robert Bolick at Mocon.

Target din ng Red Lions na magsanay sa Las Vegas kasabay ng paglahok sa ilang pocket tournaments upang matiyak na handang-handa ang koponan bago sumalang sa NCAA wars.

vuukle comment

BOYET FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with