^

PSN Palaro

Elite lider na Belo bumida sa panalo vs Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Elite lider na Belo bumida sa panalo vs Bolts
Nailusot ni Mac Belo ng Blackwater ang kanyang lay-up sa mahigpit na depensa ng Meralco players sa aksyong ito sa PBA.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines – Muling nagtala ng double digit si rookie Mac Belo para pangunahan ang Blackwater sa kanilang ikalawang sunod na panalo at masolo ang liderato ng 2016-2017 PBA Philippine Cup.

Kumolekta si Belo ng 25 points, 6 rebounds at 3 assists para akayin ang Elite sa 86-84 paglusot laban sa Meralco Bolts kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We we’re very blessed na na-execute namin ‘yung mga play namin sa se­cond half. Medyo gumanda ‘yung pasahan ng team sa second half kaya nakuha namin ‘yung panalo,” sabi ng 6-foot-4 na tubong Midsayap, North Cotabato.

Sa 94-87 panalo laban sa Phoenix sa kanilang u­nang laro noong nakaraang Miyerkules ay tumapos si Belo, kinuha ng Blackwater mula sa Gilas Pilipinas pool, na may 17 points, 9 rebounds at 2 assists.

Kumamada si Belo ng 10 points, tampok dito ang dalawang three-point shots, para itabla ang Elite sa 84-84 sa huling 1:40 minuto ng fourth quarter.

Nabigo namang ma­ka­iskor ang Bolts sa kanilang dalawang po­sesyon mula kina rookie Jonathan Grey at Cliff Hodge.

Ang supalpal ni Belo kay Reynel Hugnatan ang nagresulta sa basket ni Denok Miranda para sa 86-84 abante ng Blackwater sa natitirang 4.2 segundo kasunod ang tumalbog na jumper ni Joseph Yeo sa panig ng Meralco.

Nagtala si Hodge ng 14 points, 9 rebounds at 8 assists para sa Bolts, tinalo ng Ginebra Gin Kings sa nakaraang PBA Governor’s Cup Finals.

Samantala, kasaluku­yang naglalaban ang Barangay Ginebra at TNT Ka­tropa habang sinusulat ito.

Blackwater 86 - Belo 25, Pascual 13, Miranda 11, Dela Cruz 8, Sena 6, Pinto 5, Aguilar 5, Cervantes 5, Forrester 3, Ababou 3, Gamalinda 2, Banal 0, Buenafe 0.

Meralco 84 - Hodge 14, Grey 11, Newsome 11, Al-Hussaini 9, Amer 8, Daquioag 6, Hugnatan 6, Yeo 5, Chua 4, Faundo 4, Nabong 4, Dil­linger 2.

Quarterscores: 22-27; 39-41; 68-67; 86-84.

vuukle comment

MAC BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with