^

PSN Palaro

Lady Spikers titikim ng buwenamano sa Lady Tams

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan ng  La Salle ang kampanyang maibalik ang korona sa kanilang teritoryo sa pagsagupa nito laban sa Far Eastern University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang Lady Spikers at Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon habang masisilayan naman ang bakbakan ng University of Santo Tomas  at Adamson sa unang laro sa alas-2.

Inaabangan na ang pagbabalik-aksiyon ni Ara Galang para sa La Salle matapos magtamo ng injury sa tuhod sa semifinals noong nakaraang taon ngunit malaking kuwestiyon kung agad nitong maibabalik ang kanyang dating pamatay na laro.

Makakasama ni Ga­lang sa front line sina Mika Reyes, Majoy Baron at Christine Soyud, gayundin sina Kim Dy, Cyd Demecillo, libero Dawn Macandili at veteran setter Kim Fajardo.

Yumuko ang La Salle laban sa Ateneo, 0-2 sa best-of-three finals noong nakaraang taon.

Ang Lady Tamaraws ay kukuha ng lakas mula kina Bernadeth Pons, Remy Palma, Jerilli Malabanan, Toni Rose Basas at rookie Carly Hernandez kasama si playmaker Gyzelle Sy.

Sa kabilang banda, dumanas ng matinding dagok ang UST nang magtamo ng ACL injury si Pam Lastimosa sa kanilang pagsasanay, dahilan upang maiwan ang pasanin kina Season 77 Rookie of the Year EJ  Laure, Ria Meneses, Chloe Cortez at Jessey de Leon.

Papalo rin sina Carmela Tunay, Cherry Rondina at Gi Reyes para sa Tigresses na gagabayan na sa pagkakataong ito ni coach Kungfu Reyes.

Kasalukuyang magkasalo sa unahan ng stan­dings ang Ateneo at University of the Philippines na may parehong 1-0 rekord.

Sa men’s division, haharapin ng National University ang Adamson sa alas-8 ng umaga habang titipanin ng La Salle ang University of the East sa alas-10.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON

ANG

ANG LADY TAMARAWS

ARA GALANG

ATENEO

BERNADETH PONS

CARLY HERNANDEZ

CARMELA TUNAY

CHERRY RONDINA

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with