^

PSN Palaro

Macaraya bagong coach ng Stags

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabigo ang San Sebastian College sa ilalim ni coach Rodney Santos na makapasok sa Finals ng nakaraang 91st NCAA season.

Sa kanilang paghugot kay alumnus Egay Maca­raya bilang kapalit ni Santos ay umaasa ang Stags na magbabago ang kanilang kapalaran para sa darating na NCAA season.

Si Macaraya ang magiging pangatlong coach ng Stags sa huling dalawang taon matapos sina Santos at Topex Robinson.

Naniniwala ang San Sebastian na malaki ang maitutulong ni Macaraya sa kampanya ng Stags  maka­raang matulungan ang CEU sa limang korona ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) at ang Cafe France sa paghahari sa PBA D-League noong 2015.

“Of course, I want to win a championship with San Sebastian,” wika ni Macaraya.

Makakatuwang ni Maca­raya sa bench ng Stags si dating San Sebastian star guard Eugene Quilban bilang isa sa kanyang mga assistants.

Nakatikim si Macaraya ng NCAA title bilang player ng Stags noong 1985 at naging bahagi naman si Quilban ng back-to-back championships noong 1988 at 1989.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAFE FRANCE

COLLEGES AND UNIVERSITIES

EGAY MACA

EUGENE QUILBAN

MACARAYA

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

RODNEY SANTOS

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with