^

PSN Palaro

Lady Blazers tinarakan ang Lioness sa NCAA women’s volley

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naitarak ng College of St. Benilde ang pukpukang 24-26, 23-25, 25-12, 25-15, 15-10  panalo laban sa San Beda College upang umangat sa ikalawang puwesto sa NCAA Season 91 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna sa opensa at depensa  si Jeanette Pa­naga na umiskor ng 21 puntos mula sa 12 attacks, anim na blocks at tatlong aces para tulungan ang Lady Blazers na makuha ang kanilang ikaapat na panalo.

Naramdaman din ang lakas ni Janine Navarro na pumalo ng 19 puntos gayundin si Ranya Musa na nagdagdag ng 17 puntos.

“The girls showed character,” sambit ni Lady Blazers coach Michael Carino.

Makakasalo ng Lady Blazers sa ikalawang posis­yon ang nagdedepensang Arellano University Lady Chiefs tangan ang parehong 4-1 baraha.

Sila ay nasa ilalim ng nangu­ngunang San Sebastian Lady Stags na may malinis na 5-0 marka.

Pinatumba rin ng Blazers ang Red Lions, 25-16, 23-25, 25-18, 25-21, sa men’s division ngunit hindi pumayag ang San Beda na mangyari ito sa juniors matapos igupo ng Red Cubs ang Benilde, 25-15, 25-14, 25-23.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARELLANO UNIVERSITY LADY CHIEFS

COLLEGE OF ST. BENILDE

JANINE NAVARRO

JEANETTE PA

LADY BLAZERS

MICHAEL CARINO

RANYA MUSA

RED CUBS

RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with