^

PSN Palaro

Shakey’s V-league reinforced conference: Lady troopers ipinagpag ang Fast Lady Hitters, sumalo sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinaig ng Army Lady Troopers ang PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters, 25-23, 23-25, 25-11,19-25, 15-13 para manatiling walang talo matapos ang dalawang laro sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawang koponan ang siyang nagtuos sa Open Conference at naibangon kahit paano ng Army ang puri matapos matalo sa PLDT sa tatlong set sa mahigpitang labanan at masaluhan ang UP Maroons sa liderato sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang beteranang setter na si Tina Salak ay may 45 excellent sets at ang huling set ay ibinigay kay Jovelyn Gonzaga para tapusin ang laban na tumagal ng dalawang oras at dalawang minuto.

“Nagkaroon kami ng problema sa receive namin kaya talagang sobrang adjustment ang ginawa namin sa fifth set,” wika ni Salak.

Inangkin ng Army ang unang apat na puntos sa fifth set at lumayo hanggang limang puntos kalamangan pero bumalik pa rin ang PLDT at nanakot sa 11-12 sa puntos ni Rysabelle Devanadera.

Ngunit magkasunod na down-the-line kills ang ginawa nina Gonzaga at Honey Royse Tubino para lasapin ng PLDT ang unang pagkatalo sa ikalawang laro.

May tig-16 puntos sina Gonzaga at Tubino habang si Aby Maraño at Nerissa Bautista ay may 18 at 12 para sa PLDT.

Hinawakan ng Navy Lady Sailors ang ikatlong puwesto sa anim na koponang liga sa 25-18, 25-23, 25-21 straight sets panalo sa baguhang Kia Forte sa unang laro.

May 14 puntos si Pau Soriano para sa Navy na sinandalan ang 9-3 bentahe sa blocks at serve upang maipalasap sa Kia ang pangalawang dikit na kabiguan.

 

vuukle comment

ABY MARA

ANG

ARMY LADY TROOPERS

GONZAGA

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

HONEY ROYSE TUBINO

JOVELYN GONZAGA

KIA FORTE

NAVY LADY SAILORS

NERISSA BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with