^

PSN Palaro

Tinalo ang UST NU kampeon sa Shakey’s GVL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinantabi ng NU ang pagkatalo sa first set nang kakitaan ng tibay sa mga sumunod na laban para sa 21-25, 25-22, 25-21, 28-26 panalo sa UST at angkinin ang Shakey’s Girls’ Volleyball League Season 13 NCR leg noong Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Faith Nisperos ang naghatid ng mga mahahalagang puntos, si Nicole Magsarili ang nanguna sa depensa at si Joyme Cagande ang nagpakita ng magandang pagpapamahagi sa bola para makuha ang four-set panalo ng Lady Bullpups.

Bunga nito ay maglalaro na sa national finals ang NU kasama ang ibang magkakampeon sa mga regional eliminations sa taunang palaro na suportado ng Shakey’s at inorganisa ng Metro Sports sa pangu­nguna ni Freddie Infante.

Parehong hindi natalo ang NU at UST sa elimination upang samahan ang Kings’ Montessori School at Adamson sa Final Four.

Tinalo ng NU ang A­damson habang namayani ang UST sa KMS para magtuos sa kampeonato.

Nagwagi naman ang KMS sa Adamson para sa ikatlong puwesto.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON

ANG

FINAL FOUR

FREDDIE INFANTE

JOYME CAGANDE

LADY BULLPUPS

METRO SPORTS

MONTESSORI SCHOOL

NICOLE MAGSARILI

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with