^

PSN Palaro

Gilligan’s kontra sa Tornadoes para sa titulo ng Challenge Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na sila inasahang aabot sa finals.

Ngunit ibang bangis ang ipinakita nina dating Southwestern University star Danica Gendrauli at Norie Diaz ng Gilligan’s.

Kumawala sina Gendrauli at Diaz ng Gilligan’s sa 13-13 pagkakatabla sa third set para gulatin ang paboritong sina Wensh Tiu at April Ross Hingpit ng Cignal HD Spikers B, 21-23, 21-18, 15-13, at kunin ang isang fi­­nals berth sa women’s division ng PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na pinalakas ng Smart Live More noong Sabado sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.

Nakagawa si Tiu ng krusyal na attack error na sinamantala ni Diaz para sa kanyang ace na siyang sumelyo sa panalo ng Sisig Queens.

“Pinag-usapan po namin mabuti kung sino ang tatargetin sa services namin para mahirapan sila mag-recieve at hindi sila maka-execute ng maayos,” ani Gendrauli, na­nalo ng beach volley title habang naglalaro para sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. noong 2012.

Nauna nang binigo ng Gilligan’s sina Rossan Fajardo at Aileen Abuel ng Philips Gold, 21-9, 21-2.

Tinalo naman nina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Foton Tornadoes sina Bea Tan at Pau Soriano ng Fo­ton Hurricane, 21-18, 21-18, para kunin ang ikalawang finals seat sa torneong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Senoh, Sands By the Bay at Maynilad.

Ilang beses nang nakalaban nina Gendrauli at Diaz sina Ceballos at Orendain.

“Medyo pamilyar na po kami sa kanila pero gagawa pa rin po kami ng konting adjustments para masiguradong makukuha namin ang korona,” wika nina Gendrauli at Diaz kina Ceballos at Orendain.

Ang finals ay nakatakda sa Sabado kung saan mag­sasagupa rin ang Champion Infinity B at ang SM By The Bay para sa korona ng men’s division.

Pinatumba ng SM By the Bay A ang Centerstage, 21-13, 21-16, habang binigo naman ng Champion Infinity B ang Cig­nal HD Spikers A, 21-23, 22-20, 15-10, sa ka­nilang mga semifinals game.

vuukle comment

ACIRC

AILEEN ABUEL

ANG

APRIL ROSS HINGPIT

BEA TAN

BY THE BAY

CHAMPION INFINITY B

DIAZ

GENDRAULI

GILLIGAN

SANDS BY THE BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with