^

PSN Palaro

Olympic gold medalist liligawan ang PATAFA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Darating sa Pilipinas ang tinitingala dati sa pole vault na si Sergey Bubka para ligawan ang Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) hinggil sa plano niyang pagtakbo sa pampanguluhan sa International Association of Athletics Federation (IAAF).

Sa Lunes ay bibisitang muli sa bansa si Bubka para maihatid ang kanyang mga plano kay PATAFA president Philip Ella Juico.

Si Bubka na nanalo ng mga gintong medalya sa Olympic Games at World Championships ay makikipagtunggalian kay Sebastian Coe para sa IAAF presidency.

Ang 58-anyos na tubong England na chairman ng British Olympic Committee at na­­nalo ng dalawang Olympic gold medals sa 1,500-meter event ay sinasabing nakaka­lamang kay Bubka dahil panig sa kanya ang mga European countries.

“Sergey Bubka is flying around Asia and other developing countries to know how he can help should he win the IAAF presidency. Kailangan natin ang tulong at makikinig ta­yo sa kanyang mga plano,” wika ni Juico.

Nakatulong na si Bubka sa Pilipinas dahil siya ang nangasiwa para magkaroon ng scholarship sa IAAF Training Center sa Formia, Italy si pole vaulter Ernest John Obiena noong nakaraang taon.

Nakabalik na muli si Obiena sa pasilidad noong Hunyo at siya ay babalik ng bansa sa unang linggo ng Agosto.

Sasandal si Bubka na makuha ang suporta ng Asia na may mahigit na 40 bansa para manalo sa halalan na nakatakda sa Agosto 19 sa Beijing, China.

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

BRITISH OLYMPIC COMMITTEE

BUBKA

ERNEST JOHN OBIENA

INTERNATIONAL ASSOCIATION OF ATHLETICS FEDERATION

OLYMPIC GAMES

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

SERGEY BUBKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with