^

PSN Palaro

Gems ibabandera si Tuatuaa vs Bakers

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (JCSGO Gym, Cubao, Quezon City)

1 p.m.  Jumbo Plastic vs Tanduay Light t

3 p.m.  Cebuana Lhuillier vs Café France

MANILA, Philippines – Ipaparada ngayon ng Cebuana Lhuillier Gems ang Fil-Tongan na si Moala Tautuaa sa hangaring magandang panimula sa PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Kalaban ng Gems ang Café France sa ika­lawang laro matapos ang pagtutuos ng Jumbo Plastic sa ala-1 ng hapon.

Ang 6’7 na si Tautuaa ay itinanghal bilang number one pick sa Rookie Draft ng Cagayan Rising Suns at naihatid niya ito sa Finals at nakontento sa pangalawang puwesto nang natalo sa Hapee Fresh Fighters sa dalawang laro.

Kumbinsido si Gems coach David Zamar na si Tautuaa ang kukumpleto sa piyesa ng Gems para makatikim na ng titulo sa liga.

“He’s a great addition to the position we luck last conference,” wika ni Zamar na umabot sa semifinals pero natalo sa Rising Suns sa deciding Game Three.

Nasa koponan na rin ang 3-point shooter na si Roider Cabrera bukod pa sa beteranong si Mark Acosta at Jackson Corpuz para lumalim ang kanilang arsenal.

Hindi naman paaawat ang Bakers na nakagawa ng franchise record sa first conference nang nakapasok sila sa semifinals sa unang pagkakataon.

Samantala, kinuha ng Jumbo Plastic ang serbis­yo ni 6’5 center Jo­seph Gabay­ni bukod pa kina Tristan Perez, Jawhar Purdy at Glenn Khobuntin para palakasin ang ha­ngaring makabalik sa semis.

Umabot sa quarterfinals ang Giants pero natalo sila sa Gems para mamaalam agad sa Aspirants’ Cup

Intact naman ang Rhum Masters at ang hinugot lamang ay sina 6’4 Joseph Eriobu at Joseph Dela Paz at bentahe nila ay ang pagkakaroon na ng chemistry para makaisa agad.

Ang mga magwawagi sa larong ito ay aangat sa unang puwesto kasama ang Keramix Mixers at AMA University Titans na nanalo sa pagbubukas ng 10-koponang liga noong nakaraang Huwebes. (AT)

vuukle comment

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CUBAO

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DAVID ZAMAR

JUMBO PLASTIC

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with