^

PSN Palaro

Hawks inilusot ni Millsap

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA--Alam ni Paul Millsap na naghahanap ng bayani ang Atlanta Hawks dahil sa pagkakaupo nina DeMarre Carrol at Mike Scott bunga ng injury.

Ngunit hindi ito naging madali para sa kanya.

“It was tough,’’ wika ni Millsap. “I had some good looks. My teammates found me and led me to some shots tonight.’’

Kumabig si Millsap ng 30 points at 17 rebounds at nag-ambag si Jeff Teague ng 17 points para tulungan ang Hawks sa 100-97 panalo laban sa Utah Jazz.

Ang three-point shot ni Kyle Korver sa huling 58 segundo ang nagbigay sa Hawks ng 100-97 abante para sa pang-18 lead change nila ng Jazz.

Tumapos si Alec Burks na may 22 points kasunod ang 20 ni Derrick Favors para sa Utah.

Sa Miami, umiskor si Chris Copeland ng 17 points at inilagay ang Indiana sa unahan mula sa kanyang layup sa huling 43 segundo, habang nagdagdag si Roy Hibbert ng 16 points at 15 rebounds para igiya ang Pacers sa 81-75 panalo sa Heat.

Nagdagdag si Donald Sloan ng 15 points para sa Pacers, nakamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 1-6 start.

Dinomina ng Indiana, natalo sa Miami sa playoffs sa nakaraang tatlong seasons, ang Heat sa rebounding, 53-28.

Malamya rin ang fieldgoal shooting ng Miami sa kabila ng kaluwagan sa depensa ng Indiana.

Naimintis ng Heat ang 10 sa kanilang 18 free throws.

 

vuukle comment

ALEC BURKS

ATLANTA HAWKS

CHRIS COPELAND

DERRICK FAVORS

DONALD SLOAN

JEFF TEAGUE

KYLE KORVER

MIKE SCOTT

MILLSAP

PAUL MILLSAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with