^

PSN Palaro

Del Rosario, Rivera 5th sa World Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumapos lamang sa ikalimang puwesto ang mga pambatong sina Biboy Rivera at Liza Del Rosario sa pagtatapos ng 50th QubicaAMF Bowling World Cup noong Sabado sa Sky Center sa Wroclaw, Poland.

Naging pakonsuwelo lamang kay Rivera ay ang katotohanang tumapos siya sa mas mataas na pu­westo kina Glen Loader ng Australia, Opalora ng Colombia at Oron Cohen ng Israel habang si Del Rosario ay nanguna kina Rebecka Larsen ng Sweden, Caroline Lagrange ng Canada at Daria Kovalova ng Ukraine.

Si Langrange ang siyang nagkampeon noong nakaraang taon.

Ang walong nangunang male at female bow­lers ay sumabak pa sa isang round robin series para makita ang tatlong bowlers na maglalaban-laban sa titulo.

Sina Chris Barnes ng USA at Clara Juliana Guerrero ng Colombia ang siyang lumabas na kampeon sa taong ito.

Tinalo ni Barnes si Tobias Bording ng Germany, 265-248 at 231-216, habang si Guerrero ay nanaig kay Li Jane Sin ng Malaysia (239-234, 243-257, 265-211).

 

vuukle comment

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

CAROLINE LAGRANGE

CLARA JULIANA GUERRERO

DARIA KOVALOVA

DEL ROSARIO

GLEN LOADER

LI JANE SIN

LIZA DEL ROSARIO

ORON COHEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with