^

PSN Palaro

Corteza, Orcollo swak sa 2nd round

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Eksakto lamang ang pabanda ni Lee Vann Corteza sa cue ball para madisgrasya ang 9-ball patungo sa 7-5 panalo ng Pilipinas kontra sa France sa second round no­ong Huwebes sa 2014 World Cup of Pool sa Mountbatten Centre sa Portsmouth, Great Britain.

Lamang lang ng isa, 6-5, sina Corteza at Dennis Or­collo laban kina Stephan Cohen at Alex Montpelier at tila babalik sa pagtumbok ang mga katunggali matapos magtago ang four-ball sa likod ng apat na bola.

Pero nasukat ni Corteza ang tamang anggulo at ang da­lawang pabanda ang hindi lamang nagpaabot sa cue ball sa object ball kungdi kinarambola rin nito ang iba pang bola at ang nine-ball ay sinuwerteng dumiretso sa side pocket para sa panalo.

Unang pinataob ang Chile, 7-5, pumasok sa round-of-16 sina Orcollo at Corteza at makakaharap nila bukas ang mananalo sa pagitan nina Mika Immonen at Petri Mak­konen ng Finland at Karol Skowerski at Mateusz Sniegocki ng Poland.

Sina Orcollo at Corteza ang naghari noong nakaraang taon at balak nila na maging kauna-unahang pool players na nakadalawang sunod na dominasyon. (ATan)

vuukle comment

ALEX MONTPELIER

CORTEZA

DENNIS OR

GREAT BRITAIN

KAROL SKOWERSKI

LEE VANN CORTEZA

MATEUSZ SNIEGOCKI

MIKA IMMONEN

MOUNTBATTEN CENTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with