^

PSN Palaro

Viloria humihirit ng rematch kay Estrada

AC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unti ay umaakyat si Brian Viloria sa itaas.

Matapos ang higit sa isang taon makaraang maisuko ang kanyang world title, itinala ng 33-an­yos na Hawaiian Punch ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau.

Isang left hook sa ka­ta­wan ang ipinadapo ni Viloria kay Mexican Jose Alfredo Zuniga sa 1:42 minuto sa fifth round para sa kanyang tagumpay at itaas sa 34-4-0 ang win-loss-draw ring record niya.

Nagbalik si Viloria sa arena kung saan niya naisuko ang mga suot na WBO at WBA flyweight titles kay Juan Francisco Estrada noong Abril noong nakaraang taon.

Umaasa ngayon si Viloria na maitatakda ang ka­nilang rematch ni Estrada sa hangaring mabawi ang kanyang mga korona.

Kaagad nag-init ang 2000 Sydney Olympic campaigner na si Viloria, dating naghari sa junior  flyweight division, laban sa 25-anyos na si Zuniga.

Kumonekta si Viloria sa third at fourth rounds kung saan niya napuruhan si Zuniga, nalasap ang kanyang ikaanim na kabiguan sa 18 fights.

Bumagsak si Zuniga matapos masuntok ni Viloria sa bodega kasunod ang pagbilang ni Filipino referee Danrex Tapdasan.

 

vuukle comment

BRIAN VILORIA

COTAI ARENA

DANREX TAPDASAN

HAWAIIAN PUNCH

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MEXICAN JOSE ALFREDO ZUNIGA

SYDNEY OLYMPIC

VILORIA

ZUNIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with