^

PSN Palaro

Shakey’s V-league puwesto sa quarters asam ng Turbo Boosters

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwesto sa susunod na round ang nakataya sakaling maipagpatuloy ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters ang pagpa­panalo sa Shakey’s V-Lea­gue Season 11 Open Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katunggali ng Turbo Boosters ang wala pang panalong PNP Lady Patrollers sa ganap na alas-2 ng hapon at ikaapat na sunod na panalo ang masusungkit ng koponan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Sapat na ang apat na panalo para makatiyak ng puwesto ang PLDT dahil hindi na makakaabot sa ganitong numero ang alinman sa PNP at UP  na may 0-3 at 0-4 karta.

Ang mangungunang anim na koponan ay aabante sa quarterfinals habang dalawang mangu­ngulelat sa walong naglalaban ay mamamaalam na.

Pagkakatangkaan ng nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns ang makaba­ngon agad matapos lumasap ng unang pagkatalo sa pagsukat sa palaban ding National University Lady Bulldogs sa ikalawang laro dakong alas-4.

Nakita ng Lady Rising Suns na natapos ang 17-game winning streak sa conference na ito nang dumapa sa PLDT sa straight sets para makatabla ang NU sa 1-1 karta.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

LADY PATROLLERS

LADY RISING SUNS

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

OPEN CONFE

SAN JUAN CITY

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with