^

PSN Palaro

Pagara kumbinsidong mananalo kay Partida

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines --- Asahan ang  matinding sagupaan sa pagitan nina Filipino boxer Albert Pagara at Mexican boxer Jugo Partida nga­yong gabi sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Ito ay dahil sa weigh-in pa lamang kahapon ay nagkakagirian na ang dalawa na paglalabanan ang bakanteng IBF Intercontinental junior-featherweight title.

Ang 26-anyos na si Partida (26-4-2) ang unang nang-asar nang idikit nang husto ang mukha sa mukha ni Pagara sa puntong kukunan sila ng larawan.

Ang aksyon ay umani ng kantiyawan sa mga sumaksi sa kaganapan at gumanti ang 20-anyos na si Pagara sa pagdikit ng kanang kamao sa baba ng Mexicano.

Hindi ito nagustuhan ng bisitang boksingero pero hindi na lumala ang sitwasyon dahil pinaghiwalay na sila ng  kanilang mga handlers.

“Gusto na yata ma-knockout agad eh,” wika ni Pagara na tubong Cagayan de Oro.

Tiwala rin siya sa ginawang paghahanda ka­ya’t kumbinsidong mana­nalo sa laban.

“Kayang-kaya. Agre­sibo siya kaya naging agresibo rin ako. Palagay ko knockout. Manood na lang kayo,” dagdag pa nito.

Walang naging problema sa timbang ng dalawa dahil nasa eksaktong 122-pounds ang magtatapat.

Ang nakatatandang kapatid ni Albert na si Jason ay kasama sa lalaban at makakalaban niya si Mario Merez ng Mexico.

vuukle comment

ALBERT PAGARA

ASAHAN

CEBU CITY

JUGO PARTIDA

KAYANG

MARIO MEREZ

PAGARA

WATERFRONT HOTEL AND CASINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with