^

PSN Palaro

Pacquiao: 'Focus ko ngayon pagko-coach'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos patunayan ni Manny Pacquiao ang kanyang tikas sa boksing, nais naman niyang ipakita sa mundo ang kanyang angas sa pagmamando ng isang koponan ng basketball.

Pormal nang ipinakilala ngayong Lunes ng Kia Motors si Pacquiao bilang kanilang head coach sa pagpasok nila sa PBA.

“Kailangan ko mapatunayan, di lamang sa boxing, kundi sa basketball ang aking gilas” wika ng eight-division champion.

Kasamang humarap ni Pacquiao sa mga mamamahayag si PBA commissioner Chito Salud sa Pacific Star Building sa Makati City.

Nauna nang sinabi ng Filipino boxing sensation na first love niya ang basketball bago ang boksing, ngunit hindi pa niya tiyak kung itutuloy niya ang kanyang plano na maging playing-coach.

“Yung paglalaro, hindi ko pa alam yan. Ang focus ko ngayon ay yung pagko-coach,” wika ng head coach ng Kia na makakasama ang Black Water at NLEX na bilang tatlong bagong koponan ng PBA.

Sinabi rin ng Sarangani representative na hindi bago ang pagko-coach niya ng isang basketball team nang hawakan niya ang GenSan Warriors sa Liga Pilipinas.

“2012 sumali tayo sa Liga Pilipinas... Sa basketball strategy ang kailangan.”

Magsisimula ang 2014-2015 PBA season sa Oktubre 19, isang buwan bago ang nakatakda niyang laban sa hindi pa alam na boksingero sa Nobyembre na gagawin sa Macau.

vuukle comment

BLACK WATER

CHITO SALUD

KAILANGAN

KIA MOTORS

LIGA PILIPINAS

MAKATI CITY

PACIFIC STAR BUILDING

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with