^

PSN Palaro

Elite, Gems ikakasa ang semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Meralco Gym, Ortigas Ave., Pasig City)

2 p.m. Blackwater Sports vs Café France

4 p.m. Cebuana Lhuillier Gems vs Big Chill

 

MANILA, Philippines - Kinuha ng Blackwater Sports Elite ang mahusay na sentro na si Raul Soyud para tumikas pa ang lakas ng koponan sa pagharap sa Café France Bakers sa PBA D-League Foundation Cup quarterfinals ngayon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.

Pinakawalan ang 6’4 na si Soyud ng Derulo Ac­celero Oilers matapos ma-eliminate ang nasa­bing koponan para may makatuwang ang starting center ng Elite na si Reil Cervantes.

Ang tagisan ng nagde­depensang kampeon at Bakers ay itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon at kailangan lamang ng tropa ni coach Leo Isaac na manalo ngayon upang umabante sa semifinals na kung saan nakapuwesto na ang NLEX Road Warriors at Jumbo Plastic Giants.

“Inaasahan kong may ilalabas pa ang team sa quarterfinals,” wika ni Isaac na nagtala ng 6-3 karta sa elimination round.

Tinalo ng Elite ang Ba­kers, 69-67, pero asahan na magpupursigi ang bataan ni coach Edgar Macaraya para maihirit ang sudden death.

Nakapasok ang Café France sa quarterfinals nang silatin a             ng Oilers at Boracay Rum Waves. Limang koponan ang nagkatabla sa 3-6 baraha at ang Ba­kers ang may pinakamagandang quotient para umabante pa.

Ang ikalawang laro dakong alas-4 ay sa pagitan ng Cebuana Lhuillier Gems at Big Chill Superchargers.

May tangan na twice-to-beat ang Gems sa Superchargers ngunit nalalagay sa alanganin pa ang kampanya ng Cebuana Lhuillier dahil tatlong sunod na pagkatalo ang nangyari sa kanila sa pagtatapos ng elimination round.

Dapat na makitaan uli ng tikas ang mga kamador na sina Bambam Gamalinda, Paul Zamar, Marcy Arellano at James Martinez para tuluyang patalsikin ang determinadong Superchargers.

vuukle comment

BAMBAM GAMALINDA

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHARGERS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

MERALCO GYM

ORTIGAS AVE

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with