^

PSN Palaro

Chavez, Barrera binista si Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbigay ng suporta ang legendary Mexican boxers na sina Julio Cesar Chavez at Marco Antonio Barrera kay Manny Pacquiao sa pagbisita nila sa ensayo ng eight-division champion sa Wild Card Gym sa Hollywood ngayong Martes.

Si Chavez, 51, ang itinuturing na pinakamagaling na boksingero sa Mexico bitbit ang 107-6-2 na boxing win-loss-draw record na may 86 knockouts.

Anim na beses din naging kampeon si Chavez sa tatlong division kung saan siya ang kauna-unahang Mexican na makagawa nito.

Samantala, dating karibal ni Pacquiao si Barrera kung saan naging break ng career ni Saranggani representative ang pagkakapanalo niya laban sa Mexicano noong 2003.

Hindi rin umubra si Barrera sa kanilang naging rematch noong 2007.

Naghahanda si Pacquiao para sa kanilang muling paghaharap ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Tangka ni Pacquiao na ibalik sa kanya ang naagaw na titulo dalawang taon na ang nakalilipas.

vuukle comment

ABRIL

CHAVEZ

JULIO CESAR CHAVEZ

LAS VEGAS

MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

SI CHAVEZ

TIMOTHY BRADLEY

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with