^

PSN Palaro

Azkals, Malaysia tabla

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaki ang potensyal ng Azkals na kuminang sa ilalim ng bagong coach na si Thomas Dooley nang hiritan nila ng scoreless draw ang Malaysia  sa inter­national friendly match noong Sabado ng gabi sa MPS Stadium sa Sela­yang, Malaysia.

Nailabas ni goal keeper Patrick Deyto ang angking husay nang pigilan ang mga pag-atake ng host team habang naipamalas din nina Ruben Doctora, Mark Hartman, Simone Rota at Martin Steuble ang kanilang tikas matapos bigyan ng pagkakataon na makapaglaro ni Dooley.

Isang beses pa lamang nananalo ang Pilipinas sa Malaysia na nangyari noong 1991 SEA Games sa Pilipinas at ito ang ikatlong tabla ng dalawang bansa mula 2012.

Naglaro ang Malaysia gamit ang bago ring coach na si Datuk Ong Kim Swee at maaaring sabihin na nangapa rin ang koponan.

Pero hindi maitatanggi na iba ang kumpiyansang dala ni Dooley na pinalitan si Hans Michael Weiss, naibigay sa Philippine football ang pinakamataas na marka sa ranking na 127th place.

“It’s a great team and it’s their home game. So we were lucky in the final twenty to thirty minutes, we were lucky with all the head balls and the cross balls,” wika ni Dooley na lumabas sa ABS-CBN.

Marami pang pagbabago na nakikita si Dooley lalo na kung ang tagumpay sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives ang pag-uusapan.

Isa na rito ay ang magkaroon ng leg power ang kanyang mga strikers para maging epektibo sa laro.

Sunod na kakaharapin ng Azkals ang Azerbaijan sa Miyerkules sa Dubai at tiyak na ibang hamon ang dala ng koponan na di hamak na mas may karanasan sa Pilipinas sa paglalaro sa malalaking kompetisyon.

 

vuukle comment

AZKALS

CHALLENGE CUP

DATUK ONG KIM SWEE

HANS MICHAEL WEISS

MARK HARTMAN

MARTIN STEUBLE

PATRICK DEYTO

PILIPINAS

RUBEN DOCTORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with