^

PSN Palaro

Team Smart ipinagpag ang Team Shakey’s

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakitaan ng tibay ng loob ang Team Smart para talunin ang Team Shakey’s, 18-25, 25-16, 20-25, 25-20, 15-10, sa kauna-unahang Shakey’s V-League All-Star Game kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nararapat lamang na ang nanguna sa Team Smart na hawak ni coach Roger Gorayeb ay ang da­lawang manlalarong naghati sa Most Valuable Player award na ibinigay sa nakalipas na confe­rence nang si 6’2 Dindin Santiago ay mayroon 16 puntos habang si Jovelyn Gonzaga ay nag-ambag pa ng siyam na hits.

Pero nakatulong din si Pau Soriano na gumawa sa huling dalawang sets upang makumpleto ng Team Smart ang pagba­ngon mula sa 1-2 score.

May 10 puntos si Mary Jean Balse habang si­yam na hits si Rachel Ann Daquis para sa Team Sha­key’s na ginabayan ni coach Nestor Pamilar.

Ang exhibition game na ito ay kinakitaan din ng paglalaro ng mga talents ng GMA 7 at sina Vonne Aquino at Betina Carlos ay naglaro sa Team Smart habang sina Lala Roque at LJ Reyes ay nakasama sa Team Shakeys.

Inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, naging layunin din ng kaganapan ang makalikom ng pondo para itulong sa mga nabiktima ni Yolanda na nanalasa sa Kabisayaan.

Mga gamit ng liga tulad ng mga bola na pirmado ng mga batikang manlalaro ang inilagay sa auctioned bago ang laro para makatulong sa kanilang fund raising drive.

vuukle comment

BETINA CARLOS

DINDIN SANTIAGO

JOVELYN GONZAGA

LALA ROQUE

MARY JEAN BALSE

MOST VALUABLE PLAYER

NESTOR PAMILAR

PAU SORIANO

TEAM SMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with