Taulava 2013 ABL MVP
MANILA, Philippines - Sa edad na 40 ay tunay na may asim pa si Asi Taulava kung paglalaro ng basketball ang pag-uusapan.
Ang 6’9†Fil-Tongan ang siyang kinilala bilang ASEAN Most Valuable Player sa 4th ASEAN Basketball League (ABL).
Tinalo ng beteranong sentro ng San Miguel Beer ang kakamping si Chris Banchero, Filipino imports Froilan Baguion (Sports Rev Thailand Slammers) at Jai Reyes (Saigon Heat) at 2011 MVP Mario Wuysang (Indonesia Warriors).
“I’m very happy about winning this award. I felt vindicated when others doubted by ability to compete. With this award, I think was able to prove them wrong,†wika ni Taulava na naghahatid ng 10.9 puntos at 7.4 rebounds.
Ang MVP ay napanalunan ni Taulava sampung taon matapos manalo ng ganitong parangal habang naglalaro sa Philippine Basketball Association.
Tiniyak ni Taulava na ang MVP plum ay kanyang dagdag-inspirasyon para tulungan ang Beermen na makuha ang titulo sa liga.
Kalaro ng tropa ni coach Leo Austria ang Warriors sa Finals na inilagay sa best-of-three series at magsisimula ito bukas sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
- Latest