^

PSN Palaro

Elite nakinabang pasok sa semis waves inilaglag ang Shakers

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtala ng pitong mahahalagang puntos si Jeff Viernes sa huling dalawang minuto sa laro para bitbitin ang Boracay  Rum sa 63-54 panalo laban sa Fruitas sa pagtatapos ng PBA D-League Foundation Cup elimination kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang biglang pagsikad ni Viernes na may 12 puntos sa labanan, ay nangyari matapos ang huling pagdikit ng Shakers sa 60-62, para wakasan ng Waves ang kampanya sa 7-4 baraha.

Dahil dito, nagkatabla ang Waves at Shakers sa karta at inangkin ang ikatlong puwesto papasok sa quarterfinals.

Pareho namang magtataglay ng mahalagang twice-to-beat advantage ang Waves at Shakers sa makakalabang EA Regen at Big Chill sa quarterfinals sa Martes.

“I’m proud with how our players responded to the challenge. We needed this win to remain in contention,” pahayag ni coach Lawrence Chongson.

Dahil din sa panalong ito ng Boracay ay namaalam na rin ang Cagayan Valley na sa Aspirants’ Cup ay tumapos sa pangalawang puwesto.

Masaklap na kabiguan ito para sa bataan ni coach Nash Racela na umasang sila ang kukuha sa ikalawang awtomatikong puwesto sa semifinals.

Sa nangyari, ang pahi­ngang Blackwater Sports na may 8-3 karta ang makakasama ng nagdedepensang NLEX na uusad na sa Final Four.

Tinapos ng Road Warriors ang labanan sa elims bitbit ang ikasiyam na sunod na panalo sa 81-70 pananaig sa Jumbo Plastic.

May 14 puntos si Byron Villarias, kasama ang apat na tres, at kalahati rito ay kanyang ginawa sa se­cond period para bigyan ng 39-27 bentahe ang Road Warriors.

Hindi naman hinayaan ng Informatics na hindi makatikim ng panalo sa ikalawang pagsali sa liga nang hiritan ng 81-66 panalo ang Hog’s Breath sa ikatlo at huling laro.

May 35 puntos si Jeric Teng para sa Icons na siyang nakakuha ng ika-11th puwesto dahil sa winner-over-the-other rule matapos makatabla ang Razorbacks sa 1-10 baraha.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY

BYRON VILLARIAS

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DAHIL

FINAL FOUR

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with