Pinoy Cuppers may tsansa vs Thais
LAPU LAPU CITY, Cebu, Philippines --Nakatakdang labanan bukas ng Team Philippines ang karibal na Thailand para sa DaÂvis Cup Group 2 Asia/Oceania semifinals sa Plantation Bay Spa and Resort clay courts.
Ipaparada ng bansa sina Ruben Gonzales, Treat Huey, Francis Casey Alcantara at Johnny Arcilla laban sa mga Thai netters.
Hawak ng mga Pinoy Cuppers ang 3-2 abante sa kanilang head-to-head duel ng mga Thais bagamat natalo sa kanilang huling dalawang beses na pagkikita ang bansa noong 1999 sa Thailand.
Ngunit kumpiyansa si Philippine Tennis Association vice president Randy Villanueva sa tsansa ng koponan.
“We have a team that is complete, meaning every one among the four in the lineup can play in singles and doubles competently,’’ wika ni Villanueva.
Ibabandera naman ng Thailand si Danai Udomchoke, habang hindi makakapaglaro si Kittiphon Wachiramanowong at ang kambal na sina Sanchai at Sonchat Ratiwatana. Idaraos ang drawing of lots ngayon para sa maglalaro sa opening singles.
- Latest