^

PSN Palaro

Iyakan Blues

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Bumaha ng luha matapos ang gulong kinasangkutan ng PBA superstar  na si James Yap at ang kanyang dating asawa na si Kris Aquino.

Malalim ang ugat ng gulo mula ng sila ay ikasal nung 2005 hanggang sa ma-declare itong annulled last year.

Pero sino nga ba ang dapat paniwalaan?

Totoo kayang sinubukan ni James na ipuwersa ang kanyang sarili kay Kris?

Hindi artista si James kaya mukhang tunay ang mga luha lalu na nang sabihin niya na ang tanging hi­ling na lang niya ay huwag tuluyang mawalay sa kanya ang kanilang anak.

Si Kris naman ay isang artista at ilang beses na din na-nominate bilang best actress. Mas madaling mapaiyak at magpaiyak dahil trabaho niya ito.

Hindi ko sinasabing sinungaling si Kris pero ayon kay James, nasabi na din sa kanya noon ng aktres na isang iyak lang niya sa TV ay taob kung sino man ang kalaban niya.

Ang hindi siguro inakala ni James noon ay dada­ting ang araw na sa kanya gagamitin ni Kris ang mga luhang pang Famas.

Kasunod ng iyakan blues sa TV ay nagbitiw si Kris sa kanyang mga TV shows kung saan siya kumikita ng limpak limpak na pera.

Ayaw na daw niya sa showbiz.

Huwag naman sana gayahin ni James ang desis­yon ni Kris at magbitiw na din sa kanyang basketball career.

Bata pa si James. Pwede pang maging MVP ulit.

At si Kris? Pang best actress pa din.

vuukle comment

AYAW

BATA

BUMAHA

FAMAS

JAMES

JAMES YAP

KRIS

KRIS AQUINO

SI KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with