^

PSN Palaro

Slammers tinuhog ang Dragons

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtulong sina Froilan Baguion at Chris Charles para ibigay sa Chang Thailand Slammers ang ikalawang dikit na panalo sa paggapi sa Westports Malaysia Dragons, 77-65, noong Sabado sa 4th ASEAN Basketball Laegue sa MABA Stadium, Malaysia.

Matapos ang 15 puntos at 13 assists sa unang panalo ng Slammers sa Singapore Slingers, 65-62, ang 5’7 na si Baguio ay naghatid ng 23 puntos, kasama ang apat na tres.

Tila kulang pa ito dahil ang beteranong pointguard ay mayroon pang 8 rebounds, 7 assists at 2 steals para sa isang all-around game.

Panuporta ito kay Char­les na may kahanga-hangang 29 puntos at 27 rebounds, bukod sa apat na blocks at 2 steals sa walang palitang paglalaro.

Ang solidong laro ng dalawang nabanggit ang tumabon sa malamyang apat na free throws lamang mula kay Michael Earl at ang Slammers ay buma­ngon tungo sa 2-4 baraha.

Nagpakawala ng tres si Baguion habang nagdomina sa ilalim si Charles para ibigay sa bistang Thai team ang 66-55 kalamangan.

Ito ang ikatlong sunod na paglagapak ng Dra­gons matapos ang dalawang dikit na panalo para makatabla ang Slammers ikaapat at limang puwesto.

vuukle comment

BAGUION

BASKETBALL LAEGUE

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS CHARLES

DRA

FROILAN BAGUION

MICHAEL EARL

SINGAPORE SLINGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with