^

PSN Palaro

Mainit na simula asam ng UAAP-Phl

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng UAAP-Philippines na kumubra agad ng mga gintong medalya sa pagbubukas ng 16th ASEAN University Games ngayon sa Vientiane, Laos.

Ang mga hinirang na Most Valuable Players na sina Johansen Aguilar sa swimming, Jesson Cid sa athletics at Al dela Cruz sa taekwondo ang mangunguna sa Pambansang delegasyon na pinamumunuan ni UAAP president Nilo Ocampo ng host National University.

Hanap ng delegasyon na higitan ang tinamong limang ginto, apat na pilak at 24 bronze medals ng mga inilaban sa nagdaang edisyon noong 2010 sa Chang Mai.

Tumapos ang Pilipinas sa ikalimang puwesto sa nasabing torneo at ang host Thailand ang siyang naging overall champion sa 58-61-50.

Ang Indonesia ang pumangalawa sa 46-51-50, bago sumunod ang Malaysia (37-36-44) at Vietnam (34-16-14).

 Si Aguilar na mag-aaral ng La Salle ay nanalo ng ginto noong 2010 at balak niyang idepensa ang kampeonato sa men’s 200m back.

Ang iba pang gold medalists sa Thailand na kasama sa delegasyon ay sina Kendrick Uy sa men’s 50m freestyle at Denjylie Cordero sa women’s 200m breast sa swimming; Jayon Tubid sa men’s bow­ling singles at Izel Masungsong sa women’s lightweight sa taekwondo.

Palaban din ang Pilipinas sa judo, di­ving at archery.

vuukle comment

ANG INDONESIA

CHANG MAI

DENJYLIE CORDERO

IZEL MASUNGSONG

JAYON TUBID

JESSON CID

JOHANSEN AGUILAR

KENDRICK UY

LA SALLE

MOST VALUABLE PLAYERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with