^

PSN Palaro

Dallas sinibak na si West sa line-up

Pilipino Star Ngayon

DALLAS--Tuluyan nang inalis ng Dallas Ma­vericks si guard Delonte West sa kanilang koponan.

Nauna nang naging bahagi si West ng mala­king pagbabago sa Dallas. Ngunit nagdesisyon ang Mavericks na alisin na si West sa kanilang line-up nang mapatawan ng kanyang ikalawang sunod na suspensyon ang point guard dahil sa ‘conduct detrimental to the team’.

Tinanggal ng Dallas si West para makuha si Eddy Curry, isang journeyman center na pinakawalan ng San Antonio Spurs.

Maglalaro si Curry para sa Mavericks sa kanilang season opener laban sa Los Angeles Lakers dahil may mga injury sina Chris Kaman at backup Brandon Wright.

Inihayag na ni West, may bipolar disorder, sa kanyang Twtter account na hindi na siya kukunin ng Dallas.

Nasangkot ang eighth-year pro sa dalawang insidente sa locker room sa preseason.

Sa kanyang paglalaro noong nakaraang season, nakatuwang si West nina point guard Jason Kidd at Jason Terry. Ngunit bumata naman ang backcourt ng Mavericks matapos mahugot si Darren Collison mula sa Indiana.

vuukle comment

BRANDON WRIGHT

CHRIS KAMAN

DALLAS MA

DARREN COLLISON

DELONTE WEST

EDDY CURRY

JASON KIDD

JASON TERRY

LOS ANGELES LAKERS

NGUNIT

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with