Howard pinayagan nang sumama sa ensayo ng Lakers

EL SEGUNDO, Calif. --Pinayagan na si Dwight Howard na maglaro para sa isang limitadong five-on-five scrimmages ng Los Angeles Lakers mula sa kanyang offseason surgery.

Hindi pa makikita sa aksyon si Howard sa susu­nod na preseason game ng Lakers sa Miyerkules kontra sa Portland sa Ontario, Calif.

Sumali na si Howard sa mga nakaraang team practice ng Lakers sa kanilang training camp ngunit hindi sa full-court contact.

Sumailalim ang six-time All-Star center sa isang sur­gery para sa kanyang back injury.

Wala pang katiyakan kung kailan makakalaro si Howard para sa kanyang Lakers debut, ngunit umaasa siyang makakasama sa preseason game.

Matapos labanan ang Trail Blazers, anim pang exhibitions games ang lalaruin ng Lakers bago ang kanilang season opener sa Oktubre 30 laban sa Dallas Mavericks.

Show comments