Mama Luz suportado ng PCSO

MANILA, Philippines - Suportado ni PCSO chairman Margue Juico si Luz­viminda “Luz” McClinton para sa kanyang paglahok sa Phil-Asian Pacific International Body Building Competition.

Si McClinton ang unang kakatawan sa bansa sa World Body Figure and Fitness (WBFF) Body Building Championship sa Nobyembre 10 sa Oklahoma, USA at sa Nobyembre 24 sa Berlin, Germany.

Mas kilala bilang Mama Luz mula sa Pinoy Big Brother House, hinirang si McClinton bilang overall champion matapos mag-uwi ng dalawang titulo sa 2012 Cebu Philippines at sa 2012 UBFFP Ms. Phil- Asia.

Dinaig niya si Katsuaki Suzuki ng Japan, ang kambal na sina Susan at Imee Sukma ng Malaysia at si Shania Sidoarjo ng Indonesia.

Si McClinton, na siyang unang Pilipinang nagwagi ng Pro Fame Figure World Championship sa United States noong 2010 at ang kaisa-isang mayroong titulo sa figure bodybuilding.

Sa nakalipas na apat na taon, lumahok na ang “Mom of Steel” sa mga local at international tournaments.

Show comments