^

PSN Palaro

Letran, JRU kapwa pupukpok para sa krusyal na panalo

- AT - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Magpapalakas ng kapit ang Letran at Jose Rizal University sa mahalagang ikaapat na puwesto sa tagisan ng dalawa sa 88th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magkasalo ang Knights at Heavy Bombers sa pa­hingang Perpetual Help sa 9-6 baraha kaya’t tiyak na pupukpok ang dalawang koponan para makuha ang mahalagang panalo sa larong mapapanood sa dakong alas-5 ng gabi.

Pipilitin naman ng Emilio Aguinaldo College na manatiling palaban pa para sa semifinals sa pagbangga sa talsik ng St. Be­nilde sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon.

Sariwa ang tropa ni coach Gerry Esplana sa 94-73 panalo sa Lyceum noong Huwebes upang iakyat ang baraha sa 6-9 katulad ng pahingang Ma­pua.

Kailangang maipanalo ng Generals at Cardinals ang nalalabing tatlong laro at umasang dalawa sa Jose Rizal, Letran at Perpe­tual ang hindi na makatikim ng kanilang ika-10 panalo.

Dinurog ng tropa ni coach Vergel Meneses ang bataan ni coach Louie Alas sa unang pagkikita, 101-83, ngunit iba na ang tinatahak ng dalawang ko­ponan sa mahalagang yugto ng kompetisyon. 

vuukle comment

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GERRY ESPLANA

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

LOUIE ALAS

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

ST. BE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with