Team Phl talo sa Indonesia; mananatili sa Group II

MANILA, Philippines -  Hindi kinaya ni Jeson Pa­trombon ang husay ni Christopher Rungkat na inangkin ang 6-3, 6-2, 6-0 panalo upang tapusin ng host Indonesia ang Pi­­lipinas sa 2012 Asia-Oce­ania Zone Group II Da­vis Cup kahapon sa Ge­lora Bung Karno Tennis Stadium sa Jakarta, In­donesia.

Ito ang ikatlong panalo ni Rungkat sa best-of-five tie upang pangatawanan ang pagiging isang SEA Games singles at doubles champion.

Ito rin ang ikatlong panalo ng host country sa tie para iangat sa 6-4 ang head-to-head meetings ni­la ng Pilipinas sa Davis Cup.

Si Patrombon ang pi­naglaro sa krusyal na singles dahil patuloy ang pa­nanakit ng balikan ni No. 1 player Fil-Am Treat Huey, tinalo si Elbert Sie sa ika­lawang laro ng opening singles noong Biyernes.

Binigyan ng respe­tadong pagtatapos ni Fran­cis Casey Alcantara ang bigong laban ng kopo­nan nang talunin ang pamalit na si Sunu-Wahyu Trijati, 6-3, 6-7(4), 6-4, sa huling singles patungo sa 3-2 pinal na iskor.

Ang panalong ito ay nag­tulak sa Indonesia na bumalik sa Group I, ha­bang ang Pilipinas ay ma­nanatili sa Group II sa 2013.

Show comments