^

PSN Palaro

Abueva, Alas nagsalo sa Player of the Week award

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil hindi puwedeng iwanan ang isa matapos ang kamangha-manghang mga laro, ibibigay ng NCAA Press Corps ang lingguhang Player of the Week citation kina Calvin Abueva at Kevin Alas.

Si Abueva ay gumawa ng ikalawang sunod na triple-double para sa 77-62 panalo ng San Sebastian sa Mapua habang si Alas ay kumamada ng career-high na 35 puntos nang tulungan ang Letran sa 97-83 tagumpay sa St. Benilde na parehong nangyari noong Lunes.

Matapos maalis sa ka­rera para sa Most Valuable Player award, ibinubuhos ni Abueva ang kanyang ma­kakaya para tulungan na lamang ang Stags na manalo ng titulo.

Hindi naman napapahiya ang 6’2 player dahil dalawang sunod na triple-double ang kanyang ginawa sa pagbabalik-aksyon na kinatampukan ng 21 puntos, 20 rebounds at 10 assists sa huling laro.

Ang Stags ay may 11-3 baraha at kapos lamang ng kalahating laro sa San Beda na nangunguna sa liga sa 11-2 baraha.

Ang 35 puntos ni Alas ang pinakamaraming naiskor sa season at ito rin ang ikalawang sunod na 30-plus output ng gunner ng Knights sa nagdaang linggo.

Si John Wilson ng Jose Rizal University Heavy Bom­bers ang huling nakapagtala ng pinakamataas na iskor sa liga sa 48 puntos na nangyari tatlong taon na ang nakaraan.

vuukle comment

ANG STAGS

CALVIN ABUEVA

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOM

KEVIN ALAS

MOST VALUABLE PLAYER

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SI ABUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with