Pacquiao-Bradley rematch sa Nobyembre?

MANILA, Philippines - Posibleng mangyari ang rematch nina Manny Pac­quiao at Timothy Bradley, Jr. sa Nobyembre.

Ito ang pahayag ng le­gal adviser ni Pacquiao na si Franklin Gacal para sa kanyang nakatakdang pa­kikipagpulong kina Pacquiao at American promo­ter Bob Arum.

Dumating sa bansa ang Top Rank chief mula sa United States kahapon ng umaga at nakatakda si­yang makipagkita sa Sa­rangani Congressman anu­mang araw.

“There’s a score to settle with Bradley,” sabi ni Gacal, hindi pa rin makapaniwala na natalo si Pacquiao kay Bradley noong Hunyo 9 sa Las Vegas.

Ayon kay Gacal, mag­de­desisyon na si Pacquiao pa­ra sa kanyang susunod na laban.

“It’s August. If he fights in November, he has to start training next month,” sa­bi ni Gacal.

Nauna nang sinabi ni Arum na kung makukuha ni­ya ang kumpirmasyon ni Pac­quiao ngayong linggo ay agad niyang kakausapin ang makakalaban nito para maitakda ang sagupaan.

Isang press tour, ayon kay Arum, ang itatakda niya sa Setyembre.

Si Bradley ang bagong WBO welterweight champion at bago pa man siya umakyat ng boxing ring kon­tra kay Pacquiao ay nag­sasabi na siya ng rematch sa Nobyembre 10.

Nagdala si Bradley ng fake credentials at isang over­sized fight ticket na may nakasulat na “rematch.”

“I think the public will still buy it. They would want to see Manny regain the title that belongs to him. Bibilihin pa rin ‘yan ng tao,” ani Gacal.

Show comments