^

PSN Palaro

Chang dinaig si Orcollo sa Face Off Series

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang pagdomina ng Team Asia laban sa ipinagmamalaking pool players ng bansa nang manalo si Chang Jung-lin ng Chinese-Taipei laban kay Dennis Orcollo, 9-8, sa idinaos na 2012 Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series noong Sabado ng gabi sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.

Bumangon si Lin, nag­kampeon sa 2012 World 8-ball Championship, mula sa 0-4 at 6-8 iskor upang katampukan ang mahusay na paglalaro kontra kay Orcollo na naghari sa World 8-ball noong 2011.

Kahit si Orcollo ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya sa race-to-9, winner's breack format.

“Abot-kamay ko na ang panalo sa 8-6 iskor pero nag-scratch ako at hindi na ako pinatira pa ni Chan. Talaga siguro hindi sa akin ang laban,” katuwiran ni Orcollo.

Halagang $5,000 ang premyong napasakamay ni Chang bukod pa sa pagbibigay ng 3-1 lamang sa Team Asia laban sa Pilipinas.

Magpapatuloy ang duwelo ng dalawang koponan sa Marso 17 sa pagkikita nina Yang Ching-shun ng Taipei at Carlo Biado.

Magkikita sina Yang at Bustamante sa Marso 24 at sina Chang-Yu Long ng Taiwan at Ronato Alcano sa Marso 31.

vuukle comment

AIRPORT CASINO

CARLO BIADO

CHANG JUNG

CHANG-YU LONG

DENNIS ORCOLLO

FACE OFF SERIES

MARSO

ORCOLLO

PHILIPPINE BIGTIME BILLIARDS

RONATO ALCANO

TEAM ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with