Bautista itinodo ang galit kay Garcia

TAGBILARAN CIT, Philippines - Pinabagsak ni Bohol pride Rey “Boom Boom” Bautista ang pekeng Mexican rival na si Genaro Garcia sa second round sa “Pinoy Pride XII: Bakbakan sa Bohol” noong Sabado ng gabi sa Carlos P. Garcia Sports Complex dito.

Halos isang minuto pa lamang sa first round ay nag-uwian na ang mga manonood nang malaman na hindi ang tunay na Genaro Garcia na kinontrata ng ALA Promotions ang kalaban ni Bautista.

Pinaglaruan na lamang ni Bautista si Garcia kung saan niya ito pinatumba mula sa isang left hand sa second round para mapanatiling suot ang kanyang IBF International featherweight crown.

Inihinto ni referee Bruce MacTavish ang naturang laban sa 1:24 ng second round.

Sinabi ni ALA Promotions president at CEO Michael Aldeguer na magsasampa siya ng demanda laban kay Mexican matchmaker/agent Victor Hugo Correa dahil sa pagpapadala ng pekeng Garcia.

 Idinagdag ni Aldeguer na plano nilang dalhin ang tunay na Genaro Garcia para makasagupa si Bautista ngayong taon.

Show comments