^

PSN Palaro

SBC, SSC overall champion sa NC

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Hindi man nakitaan ng la­kas sa athletics ay hindi naman maisasantabi ang malakas na kampanya ng San Beda sa 87th NCAA season.

Dinomina ang men’s basketball, swimming at men’s taekwondo bukod sa paglapag sa ikalawang puwesto sa men’s volleyball at women’s taekwondo, ang Lions na tumapos lamang sa pang-anim na puwesto sa track and field ay nagka­roon ng nangungunang 435.5 puntos upang masungkit ang ikalawang sunod na overall title.

Naungusan uli nila ang St. Benilde na kinapos sa asam na ikatlong puwesto sa athletics nang nalagay sa panlima tungo sa kabuuang 427 puntos.

“Naghanda ang lahat ng teams at masaya kami na napanatili namin sa aming bakuran ang overall title,” ani San Beda athletic director Edmundo “Ato” Badolato.

Ito ang ikalawang over­all title na napanalunan ng San Beda upang makasalo sa puwesto ang Perpetual Help at ang nagbabakasyong Philippine Christian University.

Ang San Sebastian naman ang nakasalo sa San Beda bilang pinakamahusay na koponan nang dominahin ang juniors division.

Lumabas na kampeon sa athletics, nakalikom ang Staglets ng 258.5 puntos para daigin ang hamon ng La Salle Greenhills at Arellano na tumapos sa ikalawa at ikatlong puwesto sa 253 at 250.5 puntos.

vuukle comment

ANG SAN SEBASTIAN

ARELLANO

ATO

BADOLATO

DINOMINA

LA SALLE GREENHILLS

PERPETUAL HELP

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

SAN BEDA

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with