Azkals-Malaysia match kasado na

MANILA, Philippines - Haharapin ng Philippine Azkals ang Southeast Asian powerhouse at defending Suzuki Cup champion Malaysia sa isang FIFA friendly na inihahandog ng Vitamilk ngayong alas-6 ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

“Vitamilk is very excited to support the Azkals in further instilling within Filipinos the importance of living an active and healthy lifestyle through sports such as football,” sabi ni Vitamilk brand manager Francis Tan.

Umagaw ng eksena ang Azkals (156th) nang gitlain ang bigating Vietnam para makapasok sa semifinals ng Suzuki Cup noong 2010.

At gustong malaman ng Azkals kung lumakas sila matapos ang kampanya sa 2010 Suzuki Cup sa pag­harap sa Malaysia.

Sa paghahandog ng Azkals-Malaysia tiff, papagitna ang Vitamilk na isang masarap na inumin mula sa all natural soy beans na may tatlong soymilk flavors.

Show comments