Evans, Love, Parker wagi sa 2012 NBA All-Star events

ORLANDO, Fla. — Isi­nalpak ni Jeremy Evans ng Utah Jazz ang bola na may suot na camera sa kan­­yang ulo, ipinasok ang da­lawang bola mula sa pag­lundag niya sa isang na­kaupong assistant at nag­suot ng jersey ni Karl Ma­lone para lumipad sa iba­baw ng isang mailman-dressed comedian na si Ke­vin Hart.

Sapat na ito para tanghalin si Evans bilang 2012 Slam Dunk champion sa NBA All-Star Weekend.

Kumolekta si Evans, na­ging kapalit ni injured New York guard Iman Shum­pert, ng 29 percent sa 3 million votes cast.

Tinalo niya sina Chase Bu­dinger ng Houston Roc­kets, Paul George ng In­di­a­­na Pacers at Derrick Wil­­liams ng Minnesota Tim­­berwolves.

Bi­nigyan ang mga fans ng voting power at isi­numite ang kanilang mga ba­lota sa pamamagitan ng text message matapos ang dunk ng bawat isa sa apat na kalahok sa three one-dunk rounds.

Hinirang naman si Ke­vin Love ng Tim­­berwolves bilang Three-Point King nang talunin si Ke­vin Durant ng Oklahoma City Thunder sa finals, 17-14.

Si San Antonio point guard Tony Parker ang nag­bi­da naman sa Skills Competition mula sa kanyang bilis na 32.8 segundo sa final run ng obstacle course laban kina Rajon Rondo (34.6) ng Boston Celtics at De­ron Williams (41.4) ng New Jersey Nets.

Show comments