^

Insurance coverage para sa boxers

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña () - February 2, 2012 - 12:00am

Kaawa-awa ang kalagayan ng mga nagsisimula pa lamang na mga boksingero sa bansa.

Tulad na lamang ng nangyari sa baguhangh boksi­ngero na si Carlo Maquinto.

Habang isinusulat ito ay wala pa ring pagbabago sa kundisyon ni Maquinto.

Nananatiling comatose ang boksingero matapos ang laban noong nakaraang Sabado ng gabi sa Ca­lo­ocan City.

Sa huling balita natin ay hindi pa nakakatiyak kung ooperahan nga ang boksingero matapos sumailalim sa CT Scan

Sinabi ng doktor sa FEU hospital kung saan dinala ang boksingero, hindi na ito kailangang operahan dahil sa maselan ang kundisyon nito at hindi rin matitiyak kung makakayanan nito ang operasyon,

Hindi rin nagpapabaya si former world champion Gerry Peñalosa, na siyang nag-promote sa laban ni Maquinto kay Mark Joseph Costa noong Sabado, na nauwi sa majority draw.

Bagamat dalawang beses bumagsak si Maquinto sa naturang laban, nagawa nitong tapusin ang walong round. Pero pagkatapos ng laban ay bigla na lamang itong nag-collapse matapos ihayag ang resulta ng laban, kaya’t agad na dinala sa pinakamalapit na pa­ga­mutan.

Kinakailangan pa bang may ganitong trahedyang mangyari upang malaman natin na kinakailangan ng mga boksingero ng insurance sa tuwing aakyat ng ring.

Sa ating pagkakaalam ay walang ganitong ibinibigay sa mga boksingerong umakyat sa ring.

Sa pagkakatanda ko, nabigyan ng accident in­su­ran­ce policy noon si Philippine welterweight champion Dondon Sultan makaraang mapili ng Games and Amusements Board bilang Boxer of the Month dalawang taon na ang na­karaaan. Si da­­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pa nga ang nagbigay noon.

Iyon ang una sa ka­say­sayan ng Philippine boxing, na ang chief exe­cu­tive ang nagbigay ng insurance coverage sa isang boksingero makaraang maglabas ang GAB ng reward o incentive policy sa mga boksingero na magbibigay karangalan sa bansa.

Pero paano ang bok­si­­ngerong tulad ni Maquinto na nagsisimula pa lamang. Hindi ba’t ka­ila­ngan din niya ng insurance co­verage o proteksyon. Hin­di ba’t dapat isipin ng GAB kung ano at paano maibibigay ang mga bene­pisyo na kailangan nila ha­bang sila ay buhay at lu­malaban pa, hindi yang nasa comatose na.

Malaki ang kinikita ng GAB, sana man lamang ay may ilang porsiyento rito ang mapunta sa insu­rance coverage ng mga boksingero.

Para na rin sa kapaka­nan ng ating mga boksi­ngero.

BOKSINGERO BOXER OF THE MONTH CARLO MAQUINTO DONDON SULTAN GAMES AND AMUSEMENTS BOARD GERRY PE MAQUINTO MARK JOSEPH COSTA SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with