Lady Chiefs may tsansa sa Final Four

MANILA, Philippines - Pinadapa ng Arellano University ang guest team na Lyceum of the Philippines, 25-13, 25-19, 21-25, 25-20, para palakasin ang kanilang tsansa sa huling dalawang tiket sa Final Four sa 87th National Collegiate Athletics Association wo­men’s volleyball tournament sa Ninoy Aquino Stadium sa Adriatico St., Manila.

Itinaas ng Lady Chiefs ang kanilang baraha sa 5-3, habang nahulog sa 4-4 ang marka ng Lady Pirates na nagpatalsik sa kanila sa torneo.

Para makapasok sa Fi­nal Four, kailangang talunin ng Lady Chiefs ang semifinalists Perpetual Lady Altas (8-0) sa Biyernes para sa huling araw ng elimination round.

Sa iba pang women’s match, tinalo ng sibak nang College of St. Benilde Lady Blazers ang Mapua, 25-5, 25-8, 25-9, para sa kanilang 2-6 rekord kumpara sa 0-9 ng Lady Cardinals.

Show comments