^

PSN Palaro

Boracay tumungga ng playoff seat

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Inangkin ng Boracay Rum ang playoff spot para sa puwesto sa quarterfinals nang durugin ang PC Gilmore, 71-41, sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa San Juan Gym.   

Nilimitahan ng Waves sa tatlong puntos ang Wizards sa huling 8 minuto sa second period.

Ang split ni Paolo Taha ang naglapit sa Wizards sa 17-15 bago rumatsada ng 21-3 palitan ang Waves para sa di na natinag na 38-18 kalamangan sa halftime.

Tinapos ng Waves ang laro sa eliminasyon tangan ang 5-5 karta at nakatiyak ng playoff sakaling magkatabla sila ng Café France (4-5) at RnW Pacific Pipes (4-5).

Unang nagpasikat ang Café France nang manaig sa DUB Unlimited, 85-77, para lumapit sa isang panalo pa­tungo sa posibleng unang paglalaro sa post season sa da­lawang taon sa liga.

Tinapos ng Wheelers ang laro bilang kulelat sa 11 ko­ponang liga sa 1-9 baraha.

vuukle comment

BORACAY RUM

D-LEAGUE ASPIRANTS

GILMORE

INANGKIN

NILIMITAHAN

PACIFIC PIPES

PAOLO TAHA

SAN JUAN GYM

TINAPOS

UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with